..sa simula parang napakaordinaryo lang ng gagawin namin..aakyatin namin
ang lignon hill..isang sikat na pasyalan sa legaspi city..we travelled
about 2hours from naga to legaspi. just to visit the famous lignon hill.
sa paanan kami ng burol ng park, since cars are not allowed to go up
further. Maraming tao, marami kaming kasabay, tulad namin, gusto din
nilang akyatin ang tuktok ng burol. mga ilang metro palang ang naakyat
namin..nakikita na agad namin and tanawin sa baba..ang ganda pala.
Lalo
kaming ginanahan. Lakad pa ulit kami, mga ilang metro pa ulit, nagsimula
na kaming makaramdam ng pagod, we started to realize, this aint gonna
be easy men! Sabi ni Mor,wala pa kami sa kalahati.
Ang hirap, kahit
simpleng paglalakad lang ang ginagawa namin, at kahit marami kaming
kasabay, at kahit pa nakakalibang ang aming picture taking, we cant deny
to ourselves, pagod na kmi.
Nagsimula na akong magreklamo, "nakakpagod,
malayo pa ba? pwede phinga muna tayo?
Sa kalagitnaan, may dalawang
klase ng daan: yung regular na daan na kanina pa namin nilalakaran, at
isang daan na tinatawag nilang "Kapit tuko",hindi sementado, at my
mahabang lubid, na dapat ay constantly hawak mo para makrating ka sa
tuktok,
Generally, ang kapit tuko ay mabato, madulas at manually mong
aakyatin ang burol, sa mga bato at ugat ng kahoy ka kakapit at gagawa
ng paraan para umakyat. sabi nila dito raw ay mas mabilis kang
makakarating, kung mpaglalampasan mo lahat ng pasubok.
Habang
nakatingala ako sa mahabang lubid, sabi ko sa sarili "Ive never done
this before," But if you will never do something you have never done
before, you will never get something you never had before. (tama pa ba
grammar ko?)
So aling daan kaya ang pipiliin ko? comfortable, common? or uncommon at very uncomfortable pa?
Huminga ako ng malalim, humugot ng lakas ng loob sa kung saan at sabay sabing,
"I'll take that road.." ang tinutukoy ko ay ang kapit tuko. Alam ko, hindi ko pa nagagawa ito, so why not take the challenge.
Binagtas namin ang daan, literally, kapit tuko talaga ako, mahirap na baka mahulog pa ako. Nagkapaltos paltos ang kamay at paa ko, dahil sa lubid na hawak ko ng mahigpit.
Ilang hakbang palang paakyat, tagaktak na ang pawis ko at basang basa na ang damit ko.
Sa kalagitnaan, bigla akong pinulikat! What a very nice time to get cramps.
Natigilan ako sandali, lumingon ako sa baba kahit na ibinilin sa amin na huwag kaming lilingon.
Nakaramdam ako ng takot, indeed there is no turning back. Tumingala ako,malayo pa pala kami. Naluluha na ako sa pagod, pero tinapik ako sa likod ni Wilmor, "kaya mo yan". OK! kaya ko daw to eh!
Akyat, kapit sa lubid, ....akyat.....akyat .....akyat....
Presto! Nakarating na kami sa tuktok ng lignon hill! Hindi kami naglakad, literally, WE CLIMBED!!!!
We waited for the sunrise, and at 5:45 am.. the miraculous creation of God waved itself before our eyes.